Log in

I forgot my password



Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

Most users ever online was 15 on Wed Mar 21, 2012 1:24 pm
ATTENTION...

Mon Mar 19, 2012 5:52 pm by Limitless

Palala lang po sa lahat ng member lalo na po sa

lahat ng SMOD at MOD.

Una po sa lahat …

Comments: 10


You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ama..pinatay ang sariling pamilya...... on Thu Apr 12, 2012 11:05 am

jeremiah33

avatar
™ SUPER MODERATOR ™

Pinaniniwalaang wala na sa sariling pag-iisip ang isang 32-anyos na ama
makaraang imasaker nito ang asawa at limang anak sa pamamagitan ng
pagwasak sa kanilang ulo gamit ang malaking bato sa kanilang tahanan sa
Sitio Sapa Ibo, Barangay Panampalay, Roxas, Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Senior Ins*pector Chamer Lacay, hepe ng Roxas Municipal Police Station, ang suspek na nakakulong na si Pepito Catoy.

Nabatid na walang awang pinagbabasag ni Catoy ang mga ulo ng kanyang
pamilya habang ang mga ito ay himbing na himbing sa pagtulog dakong
alas-11:00 gabi noong Abril 8.

Agad na nasawi si Adeta, maybahay ng suspek; at mga anak nilang si
Merlyn, 10; Mylene, 6; Reneboy, 4; Aileen, 3; at Dylene, 1-anyos na
babae.

“Dalawang malalaking bato ang ginamit niya sa pagpatay sa kanila. Ang
mga batong ito ay gamit nila na pinagsasaingan, kasinglaki ng ulo ng
tao,” ani Lacay.

Si Catoy ay nahaharap ngayon sa kasong multiple parricide pero kailangan
pa rin siyang isailalim sa masinsinang pagsusuri para malaman kung may
diperensiya ito sa pag-iisip.

Sinabi ni Lacay na kailangang makasiguro sa estado ng pag-iisip ni Catoy.

“Batay sa inisyal na imbestigasyon ay severely depressed siya kaya
pinatay niya ang buong pamilya niya. Itong suspect, parang na-diagnose
na nasiraan ng bait. May unconfirmed report din na ‘yung elder brother
nitong suspect ay pinatay ng sarili nilang ina,” anang opisyal.

Nabatid pa na nalaman ng pulisya ang insidente nang puntahan kinabukasan
ng Abril 9 dahil ang lokas*yon ng pinangyarihan ng krimen ay nasa
bulubunduking bahagi ng bayan.

Nahuli ang suspek dakong ala-una ng hapon kinabukasan matapos ang krimen.

“Kung sasakay ka ng police o military vehicle ay aabutin ka ng 2 at
kalaha*ting oras tapos maglalakad ka pa ng hanggang 3 at kalahating oras
bago mo marating ang kanilang bahay,” ani Lacay.

Hinggil naman sa aspeto kung paano isinagawa ng suspek ang pagpatay,
sinabi ni Lacay na nagising si Reneboy habang pinupukpok ng suspek ang
ulo ng kanyang kapatid.

“Itong batang lalaki, nagising dahil kuwento mismo ng suspek na sinabi
ng anak niya, ‘Huwag po, Huwag niyo ako patayin’. Nasa kama itong apat
na biktima maliban sa 1-anyos at ‘yung 3-anyos.

Base sa kalkulas*yon namin, sa bintana tinapon galing sa loob papalabas doon sa bintana ‘yung 1 at 3-anyos,” ani Lacay.

Idinadahilan pa umano ng suspek na nagawa nitong patayin ang kanyang
pamilya dahil wala na siyang maipakain sa mga ito dahil sa pagkakasangla
ng kanilang niyugan.

[You must be registered and logged in to see this link.]

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum