Log in

I forgot my password



Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

Most users ever online was 15 on Wed Mar 21, 2012 1:24 pm
ATTENTION...

Mon Mar 19, 2012 5:52 pm by Limitless

Palala lang po sa lahat ng member lalo na po sa

lahat ng SMOD at MOD.

Una po sa lahat …

Comments: 10


You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Warship ng pinas kumasa sa china on Thu Apr 12, 2012 11:11 am

jeremiah33

avatar
™ SUPER MODERATOR ™

Nagkagirian at naging tensyonado ang paghaharap ng puwersa ng Philippine
Navy at tropa ng mga Chinese nang manghimasok at harangin ng dalawang
surveillance vessel ng China ang pag-aresto sa mga Chinese fisherman na
pumuslit sa Panatag (Scarborough) Shoal na teritoryo ng Pilipinas.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, naispatan ng isang
Philippine Navy surveillance aircraft ang pagpasok ng walong Chinese
fishing boat sa Panatag (Scarborough) Shoal nitong Linggo, Abril 8.


Ang Panatag Shoal ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.


“The Shoal is 124 nautical miles from the nearest basepoint in Zambales
province. It is within the Philippines’ 200 nautical miles Exclusive
Economic Zone (EEZ) and Continental Shelf,” ayon sa DFA.


Para maprotektahan ang marine environment at resources sa Panatag Shoal,
dineploy ng PH Navy ang BRP Gregorio Del Pilar (PF-15) mula Palawan
patungong karagatan ng Nor*thern Luzon para magsagawa ng maritime patrol
sa Shoal at nakumpirma ang presensya ng walong Chinese fishing vessels
na nakadaong sa loob ng lagoon ng Shoal.


Pagsapit ng umaga ng Abril 10, Martes, ay nagdispatsa ng isang boarding
team ang BRP Gregorio Del Pilar para inspeksyunin ang mga fishing vessel
at nadiskubre na maraming corals, giant clams at mga buhay na pa*ting
na iligal na dinagit ng mga mangingisdang Chinese ang nasa loob ng mga
compartment ng fishing boat.


“The BRP Gregorio Del Pilar later reported that two Chinese maritime
surveillance ships identified as Zhonggou Haijian 75 and Zhonggou
Haijian 84 managed to sail at the mouth of the Shoal, placing themselves
between PF-15 and the eight Chinese fishing vessels, thus preventing
the arrest of the erring Chinese fishermen.

This situation has remained unchanged as of this morning, Wednesday, 11 April 2012,” dagdag pa ng DFA.


Habang sinusulat ang balitang ito, ayon naman kay DFA spokesman Raul
Hernandez, ay nanatiling nakaposisyon ang malaking barko ng Pilipinas at
China sa lugar habang nagpapatuloy ang negosasyon ng dalawang bansa.


Ang insidente ay pinakahuli sa harap ng tensyon sa pagitan ng China at
Pilipinas dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea na
inaangkin lahat ng Beijing.


Bunsod nito ay nakipag-ugnayan na si Foreign Affairs Sec. Albert del
Rosario kay Chinese Ambassador Ma Keqing para mabigyan ng diplomatic
solution ang kaganapan.


Nagpapahinga lang


Sa inilabas naman na statement ng Chinese Embassy, inihayag na
nagpahinga lamang sa lagoon ng Huangyan Island at pinahupa ang maamang
panahon nang harangin ng Philippine Naval gunboat ang entrada ng lagoon,
at 12 sundalong Pinoy umano ang pumasok sa lagoon saka hinarass ang mga
mangingisdang Chinese.


Napasugod naman umano ang dalawang Chinese Marine surveillance ship sa
lugar para matiyak na hindi malalabag ang karapatan at mabantayan ang
kapakanan ng mga Chinese national.


Iginiit din ng Tsina na teritoryo nila ang Huangyan Island.


Diplomasya


Kaugnay nito, naniniwala si Pangulong Benigno Aquino III na kailangang
idaan sa diplomasya ang pagresolba sa nasabing problema dahil wala
umanong mapapala kung idadaan ito sa karahasan.
Kinumpirma ng Pangulo na nakausap na niya ang ambassador ng China upang magkaroon ng paliwanagan ukol sa nangyari.


“Kausap ko ‘yung ambassador ng China at ipinatawag ko rin ulit ang ating
Secretary of Foreign Affairs para magkaliwanagan doon sa posisyon natin
d’yan. Pero ang importante d’yan pangalagaan natin ang ating
sovereignty. Hindi natin pwedeng ipamigay ‘yan at wala tayong aaasahan
siyempre kundi ang sarili natin,” aniya.

[You must be registered and logged in to see this link.]
Nakipagpulong na umano siya sa mga kinauukulan partikular sa Sandatahang
Lakas ng Pilipinas gayundin ang Coast Guard para maliwanag ang
tinatawag na “rules of engagement” para matiyak na rin na walang
karahasang magaganap.

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum