Log in

I forgot my password



Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

Most users ever online was 15 on Wed Mar 21, 2012 1:24 pm
ATTENTION...

Mon Mar 19, 2012 5:52 pm by Limitless

Palala lang po sa lahat ng member lalo na po sa

lahat ng SMOD at MOD.

Una po sa lahat …

Comments: 10


You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 sandaling kaligayahan.... on Sat Apr 14, 2012 10:41 am

jeremiah33

avatar
™ SUPER MODERATOR ™

Sandaling kaligayahan sa piling ng kanyang kasintahan ang natikman ng
isang binata subalit ito na rin pala ang huli nilang pagsasama matapos
atakihin at malagutan ng hininga sa ibabaw ng kama sa loob ng
inokupahang kuwarto ng isang motel sa Malabon City.


Bandang alas-tres ng madaling-araw umano nang ma*nikip ang dibdib at
nahirapan daw huminga si Zaldy *Isanan, 23-anyos at nakatira sa 47 Sto.
Ninoy St., Barangay Concepcion, Malabon, habang kasama ang nobyang si
Ruzette Salvador, 26, sa loob ng Nipa Lodge na matatagpuan sa M. Naval
Street ng nasabing lungsod.


Hubo’t hubad pa umano nang madatnan ng rumespondeng awtoridad si Isanan
habang tila tulala pa rin at hindi makapaniwala nang magsadya sa
himpilan ng pulisya ang kanyang kasintahan.


Ayon kay Ruzette, nagpasya sila ni Isanan na magsadya sa naturang motel
upang magpalipas ng magdamag makaraang kulitin siya ng binata habang
nag-iinuman sila sa isang beerhouse na malapit lang sa lugar.


“Habang nasa loob kami ng kuwarto ay bigla na lamang pong nanikip ang
dibdib ni Zaldy at nahihirapan daw pong huminga!” pahayag ni Ruzette.


Agad nagbalot ng tuwalya ang dalaga at humingi ng tulong sa mga room boy
na mabilis namang sumaklolo pero inabutan ang hubo’t hubad pang binata
na wala nang buhay sa ibabaw ng kama.


Dahil dito, tumawag na lamang sa himpilan ng pulisya ang management ng
motel at ini-report ang pangyayari at nang respondehan ng mga tauhan ng
Scene of the Crime Operatives ay lumalabas na posibleng atake ang
dahilan ng pagkamatay ng binata.


Sa presinto, hindi maawat sa paghagulgol ang kasintahan ni Isanan na tila nagsisisi kung bakit nag-check in pa sila sa motel.


“Sana hindi na lang kami pumunta muna sa motel at buhay pa sana siya ngayon!” ani Ruzette. (Alvin Madan)



link;[You must be registered and logged in to see this link.]

2 Re: sandaling kaligayahan.... on Sat Apr 14, 2012 12:19 pm

najran08


® ADMINISTRATOR ®

alam ko ung motel na yan hahaha

sikat ang nipa hahaha

gawa ni manong

sinong zaldy kaya ito?

baka kilala ko pa hhhmmmm


============================================
-=APO NI BERTONG BANGUNGOT=-

[You must be registered and logged in to see this link.]
http://gsmpinas.forum.st

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum