Log in

I forgot my password



Who is online?
In total there is 1 user online :: 0 Registered, 0 Hidden and 1 Guest

None

Most users ever online was 15 on Wed Mar 21, 2012 1:24 pm
ATTENTION...

Mon Mar 19, 2012 5:52 pm by Limitless

Palala lang po sa lahat ng member lalo na po sa

lahat ng SMOD at MOD.

Una po sa lahat …

Comments: 10


You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 NoKor rocket sablay! on Sat Apr 14, 2012 11:08 am

jeremiah33

avatar
™ SUPER MODERATOR ™

MANILA, Philippines - Bagama’t natuloy at pumalpak ang paglu*lunsad ng
rocket kahapon ng North Korea, kinondena pa rin ng Pilipinas ang
nasabing hakbang at iginiit na nakikiisa ang bansa sa international
community sa panawagan na abandonahin na ng Nokor ang ballistic missile
program nito bilang pagtupad sa isinasaad ng United Nations Security
Council resolutions.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naisakatuparan ng
Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) ang planong pag*lulunsad
ng long-range rocket sa kabila na pinagbabawalan na ituloy ang nasabing
‘missile’ test.
Ayon sa DFA, nilabag ng Nokor ang napagkasunduan ng mga mi*yembrong
bansa ng UN Security Council at sa naaprubahang UN Security Council
Resolutions 1695 (2006), 1874 (2009) at 1718 (2006) na nag-aatas sa
Nokor na suspindihin o abandonahin ang kanilang ballistic missile
program at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa paggawa ng mga missile
o nuclear weapons.
“The DPRK should reconsider its current path of isolation from the
international community. The Philippines strongly urges the DPRK to
desist from acts of provocation and to end its use or testing of
ballistic missile techno*logy” diin ngDFA.
Nanawagan ang Pilipinas sa North Korea na tupdin ang UN Security
Council Resolutions at abandonahin ang natitirang “weapons of mass
destruction”
“The Philippines reite*rates its readiness to work with international
partners in the effort to ensure peace and stability in the Korean
Peninsula,” ayon pa sa statement ng DFA.
Ikinagalak naman ng Malacañang na walang nasaktan o napinsala sa
paglulunsad ng rocket ng NoKor na sumablay sa kanilang target, ayon kay
Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Ibinalik naman sa normal na ruta ng Civil Aviation Authority (CAA) ang
mga flights ng ibat ibang eroplano na naunang binigyan ng rerouting
dahil sa rocket launch.




Hindi pa rin dapat mapanatag ang publiko kahit na pumalpak ang rocket launch ng North Korea kahapon.

Ito ang binabala ni Antipolo Rep.Romeo Acop at asahan pa umano ang
susunod pang rocket launch ng NoKor dahil deteminado umano ang mga ito
hanggang hindi naitatama ang kanilang eksperimento.
Naniniwala din si Acop na ang mga produkto ng siyensya ay nagmula sa
mga failed experiments na nahulma at naperpekto sa tagal ng panahon ng
pagbuo dito.



link
[You must be registered and logged in to see this link.]

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum