Log in

I forgot my password



Who is online?
In total there are 13 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 13 Guests

None

Most users ever online was 201 on Thu Sep 26, 2024 3:07 pm
ATTENTION...

Mon Mar 19, 2012 5:52 pm by Limitless

Palala lang po sa lahat ng member lalo na po sa

lahat ng SMOD at MOD.

Una po sa lahat …

Comments: 10


You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Empty Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Tue Mar 27, 2012 11:55 am

Limitless

Limitless
® ADMINISTRATOR ®
Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Admin10
"Save The GSM Profession, Say No To Price Dumping"

Pero matanong ko lang... meron ba talagang PRICE DUMPING at PRICE DUMPER?

Paano ba nagsimula ito?

Ako ay 11 years na sa industriya ng CP Repair. Way back then until 2006, wala namang nababansagang price dumper at price dumping....

Nuong mga panahong yun... KONTROLADO LAMANG NAG IILAN ang GSM at dahil dito, sila lamang ANG NASUSUNOD sa market price,. Sila lamang ang may DEJAN BOX... then UFS BOX.... at kung anu-ano pang mga gadget.

Dahil ang mga "privilege" owner lamang ang may afford makabili ng mga gadget.... sila lamang ang nasusundod sa presyo.... kapag sinabi nilang P3,000 yun na yun..... sila ang batas.

Pero di nagtagal, sa paglipas ng panahon... ang mga gadget ng GSM ay nagkaroon ng mga crack.... isang BOX lang... pwedeng gumana na kagaya ng orig.... sa COM PORT lamang ay pwedeng maka pag security code ka... comport lamang pwedeng mag flash.... (DCT3)

Dahil sa mga crack na lumalabas.... NAGING AVAILABLE NA sa halos lahat ang SOFTWARE na ginagamit sa pag unlock at iba pa...

Dahil dito, HINDI NA NASUNOD ang PRESYO NG MGA "PRIVILEGE" owner ng mga orig na gadgets (yung mga nag-iinvest)

Ano ang nangyari? Tinawag ng mga OWNER NG ORIG NA GADGETS ang mga gumagamit ng CRACK software na "PRICE DUMPER".... Bakit? Simple lang ang sagot... DAHIL HINDI NA SILA NASUSUNOD SA PRESYO. HINDI NA NILA MAKONTROL ANG MARKET NG GSM. Tama ba yun? Ciempre HINDI. Tatatwagin mong price dumper ang isang tech dahil hindi nasusunod ang gusto mong presyo? Sino ka ba? Mali ang sistema at batayan ng pagtawag ng price dumping di ba?

Sa paglipas uli ng panahon.... nagkaroon ng FEUD sa gitna ng mga PRODUCT DEVELOPERS... nagtalo-talo sila. May iba na ibinaba ang presyo ng kanilang gadget par mas maging affordable sa mga end-users. Marami ang nag-react. Marami ang nagalit.... pero may nagawa ba sila.... ang sagot: WALA!

Sa pagbagsak ng ECONOMY natin, ay tila napapanahon ang mga AFFORDABLE gadgets.... again lahat ay nagkaroon ng kakayahan mag-ari ng mga ganitong gadgets....

Now kung ang puhunan mo ay P2k (MXKey) sa gadgets para maka-unlock ng Nokia 6600s at sumingil ka ng P250 samantalang ang sa kabila naman ay namuhunan ng P13k (Mtbox) para maka-unlock ng Nokia 6600s sa halagang P900.... maaari bang price dumper ang sumingil ng P250? Sagot: HINDI!

Samakatuwid... there is no such a thing as Price Dumping.... Bakit? dahil walang batayan. Walang maaayos na basehan. Tandaan magkakaiba tayo ng sitwasyon at pananaw sa ating negosyo... kung kumikita ang kapwa mo tech sa mababang halagang pagsingil, bakit mo sasabihing price dumper siya?

Misconception
pero may iba kac na tech sya pa na walang gadget sya pa mismo magbaba ng singil at sayu pa mismo ipapagawa....

ay wala po sa context ng price dumping ang ganitong sample...... bakit? kc ikaw ang gagawa.... pwede mong i-correct ang tao.

halimbawa... nagdala ako ng isang unit for repair or for unlock... sabi ko P200 kaso ayaw mo... sabi mo mababa ang sunil ko... P500 dapat....

Ano ang magagawa ko? Wala kundi sumunod sa presyo mo O KAYA HAHANAP AKO NG IBANG MAPAGPAPASAHAN.... now, papaano kung may makita ako na P400 lang ang singil sa akin? Price Dumping na ba ito? Hindi dahil wala namang REGULATORY IMPLEMENTATIONS pag dating sa pagsingil sa customer di ba?

Meron bang STANDARD sa pricing? Wala di ba?

So ano ang general ruling dito? Simple... basta't kumita ka at yun naman talaga dapat ANG KUMITA KA. So as long as kumikita ka HINDI KA PRICE DUMPER.

Now sasabihin mo... "PRE NASASAGASAAN MO NEGOSYO KO.... ANG BABA MO SUMINGIL E..." Ay! di price dumping ang issue dito KUNDI COMPETITIVENESS... ibig lamang sabihin na mas competitive ang marketing niya kaysa sa iyo.... Bakit? E mas gusto ng customer ang market niya kaysa sa iyo e... kumikita din naman siya.... Ang tawag dito ay BUSINESS COMPETITION. Hindi Price dumping DAHIL KUMIKITA NGA SIYA DIBA? Kund di siya kumikita... YAN ANG DUMPER! Pati negosyo niya DUMPED! ;)) E kaso hindi nga ganun e... KUMIKITA NGA SIYA... at APEKTADO KA.... bakit... simple lang... Kumikita siya habang ikaw ay hindi. Yan ang tutoo... at dahil dyan... tinatawag mo siyang Price Dumper....


May mga factor kc kaya ka nakapagbibigay ng mas mababang presyo... parang LAPTOP... Bakit ung isang shop mura lang ang bentahan samantalang dun sa isa ang mahal? Bakit? Pwedeng ang sagot ay:
1- Meron silang supplier na mababa lamang ang bigay sa kanila
2- Mababa ang renta nila sa pwesto
3- Naghahabol ng Quata.... :D
4- Promo

Magagalit ka ba? May karapatan ka bang MAGDIKTA sa kabilang pwesto.....?

Isipin mo ng maigi... panahon na para TULDUKAN ANG ISSUE NG PRICE DUMPING at mag concentrate na lamang tayo kung papaano palalaguin ang negosyo natin sa sarilingng diskarte at pagsisikap...


Regards
upp

2Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Empty Re: Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Tue Mar 27, 2012 11:58 am

Limitless

Limitless
® ADMINISTRATOR ®
Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Admin10
Now Let's Talk about SOLUTION sa lumalalang katumalan.

SInce na nabubuhay na namang muli ang issue ng PD at paulit ulit na nabubuhay - BAKIT? Simple lamang ang kasagutan at iyan ay sa dahilang walang solusyon na mainam.

Marami ang nag-attempt na "ibangon" ang GSM sa maraming paraan at isa na dito ang pagsulong ng Price Lists and to some extent, nagiging rule pa ito subalit kagaya ng mga nakalipas na panahon, sad to say but History simply Repeats itself.

Why? Bumababa naman talaga di ba? Let's remember for example:
1- Backlight: Year 2001, P250 ang white ang ibang color ay P150 --- Now: P20.00
2- Simcard: Same year, P1500 ---- Now: P15.00
3- UFS Box (No HWK): Year 2003 ---- P12,000 Now: P3,500 (same function at nagagamit pa sa crack)

Ilan lamang ito sa matatawag na "NATURAL DEPRECIATION" which has a tramendous EFFECT sa atin. Nuon malaki ang singilan for the fact na MATAAS ang puhanan compare sa ngaun. Idagdag mo na rin ang katotohanan na lahat ay afford to own one.

Lumabas ang Crack, dumami ang Repair shop at nagbabaan ang mga presyo ng pyesa and not to mention na marami din ang hacking issues. Ang mga ito ay malaking dagok sa GSM Market at muli, affected uli tayo.

Now, Paano ang dapat gawin?

Ito po ang suggestion ko: REGULAR CUSTOMERS (Marami!)

Ang regular customer ay customer na sa kabila ng 10 ang katabi mong shop at lahat ay nakadikit sa iyo, ang regular na customer na ito ay sa iyo magpapagawa. Iyan ang regular customer! Ito ang need nating lahat ang magkaroon ng MARAMING REGULAR CUSTOMER!

Paano ba magkaroon ng REGULAR CUSTOMER?

Ito po ang iminumungkahi ko:
1- Huwag SINDAKIN ang customer lalo na kung first time ito. Kapag bagong customer, ibigay sa pinakamababang halaga ang serbisyo - Oo nga at maliit na tubo lamang sa una pero kung lagi naman siyang nagpapagawa sa iyo, mas malaki kumpara sa isang bagsakan na singilan. Ikaw ang pumili, Makasingil ka ng MALAKI subalit walang balik o mababang tubo subalit MAY BALIK naman at duon sa mga balik ay maaari mong i-adjust ang pagsingil mo - tama ba?

Depende sa customer. Ito ang dapat nating laging isinasa-alang alang hindi ang makasingil ng malaki. Situational ang trabaho natin. We assess our customer if they are able to pay or otherwise. Hindi nagkakapareho ang singil natin subalit kung ang makasingil lamang ng malaki ang habol natin o kaya ay gawing standardize at hindi ang magkaroon ng regular customer, mararamdaman talaga natin ang hagupit ng buhay.

2- Mamuhunan. Kumpletuhin ang gamit at iba pang produkto. Halimbawa: Batteries (China Pone, Motorola, etc)... If you are able to CREATE AN IMPRESSION TO YOUR CUSTOMER THAT YOUR SHOP HAS ALMOST COMPLETE PRODUCTS, then I would say na malaki ang tendency na di na maghahanap ng ibang shop ang customer mo. (Remember, Low price muna sa una kaya kahit magtanong yan sa iba.. malalaman ng customer na very much competitive ang market price mo and eventually babalik yan sa iyo - :) )

Kahit ikaw sa sarili mo, iba ang pakiramdam ng almost complete ang shop mo, di ba? Marami kang pwedeng i-offer: Mp3 Downloads, E-Loads, Psp Games, MP5 Games, CD Burn, Etc. Di lang Repair. Di lang Unlocking. Samahan mo na ng PC Repair, Format at iba pa. Sa ganitong approach, marami kang potential na customer na pwede mong maging suki.

3- Beautify & Improvisation. Pagandahin mo ang shop mo. Magpagawa ka ng magandang repair table. Presentation is the key. Magtataka ka pa kung bakit ung kabilang shop pinu****kti ng mga tao tapos ikaw gingawang "TANUNGAN CENTER", bakit nga kaya? E baka naman kasi ang dumi ng dating ng shop mo? O kaya ay mukhang "SKWATER" - di kaya? Yung signage mo isang KARTOLINA samantalang pwede naman TARPAULIN para mas presentable - tama ba?

Isama mo na rin ang grooming at attitude mo sa customer mo. Aba e kung mas mabaho o kaya e mas suplado ka pa sa customer mo.., di na ako magtataka kung matumal nga ang repair mo :D

Ikaapat at huli, Magkaroon ka ng plano at tamang "PERSPECTIVE". isipin mo na lamang, bakit sa "Price Lists" ka magfo-focus? Bakit sa pag-angat ng GSM Market (pasan mo ba ang daigdig?)? Bakit ka silip ng silip sa negosyo ng may negosyo at pagkatapos sigaw ka ng sigaw ng "PD!, PD! PD!" sa isip mo hanggang sa mapanaginipan mo na..? Samantalang pwede namang ang paglaanan mo ng talent at lakas mo ay kung paano MAGPARAMI NG REGULAR CUSTOMER dahil ito naman talaga ang magtatawid sa iyo at sa bawat isa sa atin sa Economic Depression na nararanasan ng bansa natin - tama ba?


Kaya ang masasabi ko: NASA DISKARTE MO LANG YAN!!!

3Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Empty Re: Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Tue Mar 27, 2012 11:59 am

Limitless

Limitless
® ADMINISTRATOR ®
Price Dumping Dapat Ng Tuldukan! Admin10
Hayaan mong wakasan ko sa isang kwento ang aking opinion...

ANG ALAMAT NG WILD GOOSE

mayroong isang lake na dinadayo ng maraming wild goose. Isang araw may isang igorot na nagawi sa lake na iyon at nakita ang napakaraming wild goose.

Sa tuwa at pagnanais na makahuli ay lumusong siya sa lake upang makahuli, subalit sa unang tapak pa lamang ng kanyang paa sa lake ay nagliparan na ang mga wild goose.

Bigo na umuwi ang igorot.

Sa ikalawang araw ay muling pumunta ang igorot sa lake at katulad ng dati ay nakita na naman niya ang napakaraming wild goose.

Sa pagkakataong ito ay nag-isip ang igorot ng strategy para makahuli siya ng wild goose.

Kumuha ng napakaraming malalaking Kalabasa ang igorot at duon sa di kalayuan ay ipinaanod niya ang unang kalabas.

Nang makita ng mga wild goose ang kalabasa na papalapit sa kanila ay nagliparan ito at pinagmasdan ang kalabasa.

Nang makita na wala namang nangyari ay muling nagbalik ito sa lake.

Ipinaanod uli ng igorot ang ikalawang kalabasa at ng papalapit na ito sa mga wild goose, kagaya ng una ay nagliparan ang mga ito subalit ng makita na wala namang nangyari ay nagbalikan ang mga wild goose sa lake.

Ipinaaon ang ikatlo, ikaapat at ikalimang kalabasa. Tulad ng dati ay nagliparan ang mga wild goose at muling nagbabalik sa lake dahil wala naman nangyayari sa kalabasa.

Ipinaaod ng igorot ang ikaanim. Nakita ito ng mga wild goose subalit sa pagkakataong ito ay di na nila pinansin. Nasanay na marahil sa naunang limang kalabasa.

Ipinaanoid ang ikapitong kalabasa at tulad ng ikaanim, hindi na nagliparan ang mga wild goose at dahil dito, tinawag ng igorot ang iba pa niyang mga kasama at ginawa nilang mistulang helmet ang kalabasa at dahan dahan silang lumusong sa lake hanggang sa ang kalabasa na lamang ang nakikita.

Papalapit ng papalapit ang kalabasa sa mga wild goose at hindi na nila ito pinapansin.

Nang makalapit na ang mga igorot at hinatak nila ang mga paa ng mga wild goose at nakahuli sila ng marami.

Masayang umuwi ang mga igorot. Batid nila na masarap ang uulamin nila sa mga sandaling iyon.

Moral of the Story?

Ilapat natin ito sa ating mga trabaho.
Wild Goose -- Customer
Igorot -- Tayong mga tech
Maraming kalabasa -- Diskarte natin yan para maging regular customer natin sila.


Customer ko nagpagawa sa akin ng CP, halimbawa Sec Code (DCT4plus)... singilin ko ng P100. Next time nagpa-unlock naman Nokia SL2, singilin ng P200. Then isa pa uli, nagpagawa... Samsung E250 change flex, singilin ko ng P300.

Ano ang ginagawa ko? Price Dumping? ABSOLUTELY NOT!!!! Shame on you to judge me that way without knowing my intentions! What I'm trying to do here is creating an atmosphere na sulit ang bayad niya sa akin and in such a way the NEXT TIME NA SUMINGIL AKO NG P1,000 hindi na aangal yun dahil na-stablish ko na sa kanya na I CHARGE FAIRLY! Kuha mo? :D

Yung unang tatlo ang mga "kalabasa" ko so to speak and in the end I enjoy a worthwhile result: REGULAR CUSTOMER!

So next time na may mangulit pa sa iyo regarding sa PD issue, dito mo na lamang siya dalin sa thread na ito.

Salamat sa pagbabasa, mabuhay tayong lahat!



Regards
upp

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum